may mga pagkakataong hindi ko maintindihan...
mga oras na binibilang...
mga sandaling inaasam...
pero putang yan!!! ang hirap makamtan...
ayaw ko nang maghintay...
pagod na akong magmahal ng higit pa sa buhay...
pero ang puso ko ay sadyang tanga,
at hindi kayang maturuan...
nakakainip... nakakabato... ang utak ko'y litong-lito...
marami pang tao ang tumatarantado sa istupido kong puso...
mahal na mahal kita- 'wag kang ganyan,
wag mo akong saktan-ayaw kitang iyakan...
ngunit ang luha'y hindi mapigilan
at hindi maiwasang maisigaw na...
"PUTANG-INANG YAN!!!"